Martes, Pebrero 26, 2013

IT's MORE FUN IN CEBU


Ang Cebu ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Gitnang Visayas. Ang kabisera nito ay ang Lungsod ng Cebu. Isang mahabang mapayat na pulo ang Cebu na may habang 225 kilometro (140 milya) mula sa hilaga hanggang timog, at napapalibutan ng 167 na kalapit na maliliit na mga pulo, na kinabibilangan ng Pulo ng Mactan, Pulo ng Bantayan, Pulo ng Malapascua, Pulo ng Olango, at ang mga Pulo ng Camotes. Sa daan-daang mga pulo nito, ang iba dito ay hindi tinitirhan na naging dahilan upang maging tanyag ang mga ito sa mga turista.
Kilala ang Cebu dahil sa mga pook nito na may katangian ng isang pulong tropikal gaya ng mga talampas, mga malalawak na dalampasigan. Karamihan din sa Cebu ay maburol, at mabundok hanggang patungo sa hilaga, at patimog ng pulo. Ang pinakamataas na pook sa Cebu ay umaabot sa 1,000 metro. Matatagpuan ang mga kapatagan sa lungsod Bogo at sa mga bayan San RemigioMedellin, at Daanbantayan, at sa hilagang rehiyon ng lalawigan.
Ang Lungsod ng Cebu ang kabiserang lungsod, ang pinakamatandang lungsod sa Pilipinas, na bahagi ng [[Kalakhang Cebu[[ kasama ang anim na iba pang mga lungsod ng Lungsod ng CarcarLungsod ng DanaoLungsod ng Lapu-LapuLungsod ng MandaueBogo, at Lungsod ng Talisay, at anim pang mga bayan.
Isa ang Cebu sa pinakamaunlad na lalawigan sa Pilipinas, at ang sentro ng kalakalan, komersyo, edukasyon, at industriya sa gitna, at timog na bahagi ng Pilipinas. Maraming mga otel, casino, mga beaches, at iba pang pook pasyalan ang matatagpuan sa lalawigan.
Ang Lungsod ng Cebu (Cebuano: Dakbayan Sa Sugbo, Tagalog: Lungsod Ng Cebu, Espanyol: Ciudad de Cebu) ay ang kabisera lungsod ng lalawigan ng Cebu at ang "pangalawang lungsod" ng Pilipinas. Na may populasyong 866,171, ang ikalimang pinaka-populated na lungsod sa bansa. Cebu ay makabuluhang sentro ng commerce, kalakalan at edukasyon sa rehiyon ng Visayas.


 Ang Magellan’s Cross ay ang pinakatampok sa mga makasaysayang pook sa Lungsod Cebu na Sugbu pa ang katawagan noong dumating ang grupo ng manunuklas at nabigador na Portuges na si Fernao Magalhaes (Fernando Magallanes sa Kastila) o higit na kilala bilang si Ferdinand Magellan. Isang maliit na nayon ng mga mangingisda lamang ang Cebu ng panahong iyon. Noong Abril 21, 1521 ay nagpabinyag ang bagong kaibigan ni Magellan na si Rajah Humabon, ang kanyang asawa at higit sa 300 na mandirigma ng Rajah kay Padre Pedro Valderama.
Mantayupan Falls ay matatagpuan sa Cebu, Pilipinas. Ito ay matatagpuan malapit sa silangan dulo ng Carcar-Barili Road kung saan kumokonekta ito sa national highway. Ang talon ay humigit-kumulang sa 200 talampakan mataas ngunit hindi magkaroon ng isang direktang pagpanaog.Mantayupan falls ay isa sa tatlong pangunahing atraksyong panturista sa interior barangays ng Barili
Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan, ang Sinulog ay tinatampukan ng sagradong imahen ng Santo Niño, at sa himig ng “Pit Señor! Hala, Bira!” ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng halos isang buwan na paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at kabilang dito ang Sinulog Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining at pangkulturang pagtatanghal, prusisyon, ang parada doon sa Ilog Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na pinasasabog sa himpapawid.
Ang Lapu-Lapu Shrine ay isang 20 metro (66 ft).Gawa sa tansong rebulto sa Punta Engaño, Lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu,isang katutubong lider na Lumaban sa Espanyol na sundalo at kung saan ang Portuguese explorer Ferdinand Magellan ay pinatay sa gitna ng Labanan ng Mactan
1521.

.

Inperial Palace ito ay kabilang sa pinagmamalaki ng CEBU CITY, bukod pa rito ang Imperials Palace ay pang Word Class, napakaganda sa lugar na ito kung iyong mararating at malilibot, hindi ka lang magagalak kundi mapapa- WOW ! Ka pa sa ganda ng Imperials Palace na to, sa pangalan palang mapapa-isip kana. Ano kaya itong Imperials Palace na ito ? Baka nga siguro ang Palasyong ito ay Maganda at Magarbo kung ito'y mararating.




LECHON, MANGGA, CHICHARON, ATBP. Ito ang mga espesyal na putahe ng mga CEBUANOS/CEBUANAS sa CEBU CITY. Lechon karaniwan nito ay ginagawan ng bagong eksperimento sa pagluluto hinahalo rin ito para sa ibang sangkap at ginagawan ng bagong putahe, meron din itong LECHON FESTIVAL. Mangga paboritong prutas at tinatangkilik ng mga CEBUANOS/CEBUANAS sa CEBU CITY. Chicharon, karaniwang inihahalo nila ito bilang sahog sa kanilang lulotuin putahe.

Kawasan Falls ito ang pinagmamalaking Falls ng CEBU City, dahil sa kagandahan tinatagalay ng falls na ito, nakaka-pawi ng pagod ang falls na ito dahil sa mahalimuyak na hamog ng Tubig rito at malaya kang Huminga ng malalim dahil napapalibutan ito nang halaman, puno, bulaklak, atbp. 



IPINASA NG: GROUP 2
IPINASA KAY :BB FLOTILDES

1 komento:

  1. Snow Peak Titanium Spork - TITIAN DETAILS
    TITIAN DETAILS. Description. TINIAN DETAILS. Type: Bicycle; titanium mens wedding bands Length: 37mm; Weight: 376g. $8.99; In stock. Quantity: 1, 2, oakley titanium glasses 3, 4, 5, 6, 7, titanium chopsticks 8. titanium nitride Additional columbia titanium boots information

    TumugonBurahin